Kris Nagpaalam
PINADALHAN ni Kris Aquino ng importanteng mensahe ang kanyang very close friend na si Boy Abunda tungkol sa update ng kanyang kalagayan ngayon. Binasa ito ng TV host sa kanyang programang Fask Talk with Boy Abunda ang madamdaming mensahe ni Kris. Sa mismong araw ng kaarawan ni Kris last February 14 ay pinag-promise niya na huwag umiyak si Kuya Boy habang binabasa ang importante update ng kanyang health. Ayon naman kay Kuya Boy ay pipilitin niyang huwag umiyak habang binabasa ang ipinadalang mensahe ni Kris. “Tomorrow, she is celebrating her birthday. And we`re going live again tomorrow, dahil Kris requested me to read a very important statement tungkol sa kanyang kalagayan.” Sabi nga niya, “Utang ko sa milyun-milyong tao na nagdarasal para sa akin.” Dagdag pa ni Kris, “Boy. it has to be you. You have to read my statement para maunawaan ng tao.” Sabi niya sa akin, ”Para mas maintindihan ng mabuti, promise me. Boy, you will not cry.” Sabi ko, “Kris, aantayin ko ang iyong stat...